Una sa Balita

GC wala nang expiration

By
0 455

Malapit nang isabatas ang panukala para ipagbawal ang expiration ng gift check o gift certificate.

Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan dito matapos na ratipikahan ng Senado ang bicameral conference committee report sa nasabing panukala.

“Pirma na lang ang kulang,” ani Senador Juan Miguel Zubiri, may-akda ng panukala.

Umaasa si Zubiri na maisasabatas ito at mailalabas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) bago sumapit ang Pasko kunsaan kalimitang inireregalo ang GC.

“Ang cash ay walang expiration kaya dapat ang mga GC ay wala ring expiration,” katuwiran pa ni Zubiri.

“With a no-expiry law on gift checks, we can enjoy gift-giving better. Sa batas na ito may forever,” saad pa ng senador.

Sakop ng panukala ang gift check, gift certificate o gift card kunsaan magiging valid ito hanggang sa magsara ang kumpanyang nag-isyu ng GC.

Hindi naman sakop ng panukala ang GC na inisyu sa customer sa ilalim ng loyalty, rewards at promotional programs na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI), gayundin ang coupon at voucher.

Ang mga hindi susunod sa panukala ay pagmumultahin ng P500,000 hanggang P1 milyon. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy