Una sa Balita

Gazini ‘most bashed beauty queen’

0 469

Nagbigay ng kanyang komento ang newly crowned Miss Universe-Philippines na si Gazini Ganados sa nabasa niya online na siya raw ang “most bashed beauty queen.”

May pageant enthusiasts daw kasi ang hindi kuntento sa isinagot ni Gazini sa Q&A portion.

Malayo raw kasi ang sagot ni Gazini sa actual na tanong sa kanya noong Q&A portion ng Binibining Pilipinas 2019. Obvious daw na memorized ang sagot nito para lang mabanggit ang kanyang advocacy.

“May nabasa akong vlog, na I’m the most bashed beauty queen. Sabi ko, parang hindi naman, kasi hindi ako nagbabasa, eh.

“To my bashers, wala lang, thank you that you’re there. Because of you, hindi rin ako magiging motivated ayusin ang Q and A ko, kasi that’s their concerns for me nga, not well-articulated, ‘yung hindi nakakasagot.

“I hope maging friends tayo kasi this is for the Philippines and I hope respect begets respect.

“For as long you have the heart, it doesn’t matter of how you’re brought up,” sey pa ni Gazini.

Inamin naman ni Gazini na hindi pa rin siya makapaniwala nang tawagin ang kanyang pangalan bilang winner ng most coveted title na Miss Universe-Philippines 2019.
“Everytime na nakikita ko ‘yung video, ‘yung pagka-crown ko, naiiyak pa rin ako, ‘Totoo ba?’

“Halos ‘di na ako makapag­lakad towards Catriona Gray that day. Na-starstruck ako.

“I remained in the middle of the stage tapos hinila na lang niya ako. Nakalimutan ko na lahat. Nag-stop ang mundo ko,” tawa pa ni Gazini. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy