Una sa Balita

Gazini Ganados sangkot sa ninakaw na gown

0 612

Laking gulat ng Filipino designer na based sa London na si Lesley Mobo nang makitang suot ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ang dinisenyo niyang gown na nawawala pa noong 2015.

Hindi inaasahan ng designer na bigla na lamang lilitaw ang kanyang nilikhang gown out of nowhere at bigla na nga lang suot ng beauty queen na wala ring credit sa kung sino ang designer.

Suot ang pulang kumikinang na gown, ibinahagi ni Ganados sa kanyang Instagram ang naturang litrato na may caption na “Maayong Buntag! (Philippine emoji) @themissuniverseph Photo @bjpascual Stylist @quartor_studio @pamquiones Makeip @antheabueno Hair @ariesmanal_hair.”

“What would u do if u…find your missing archive dress suddenly being worn by a beauty queen and u’r not even aware of it…and not even credited. I think she looks good of it…but…could do with a little help.. been looking for it since 2015 (how it landed there?).how can I get it back? should I buy it back? can I even buy it back?” caption naman ni Mobo kalakip ang natu­rang picture na inupload ni Ganados sa Instagram.

Samantala, may nag-send naman kay Mobo na natagpuan ang kanyang gown sa isang online selling store which is mukhang doon nga nakuha ang damit sa photo shoot ni Ganados.

“Omg someone just sent this to me..someone out there is letting or selling this gown? But with a retail price? How come? Hindi naman for sale ang damit? What website is this please! Can I buy it privately?” dagdag naman ni Mobo.

Pero matapos ang ilang sandali ay binura na ni Mobo ang ilang post niya tungkol nga sa gown niyang nawawala at pinalitan ng “Apology accepted” na picture kalakip ang caption na “I’m not perfect…but making mistakes is part of life and we must all learn from this – a simple sorry is good enough – END.” (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy