Una sa Balita

Gazini Ganados pasok sa Top 10 beauty vlogger

0 458

Kung ang Canadian beauty queen na si Siera Bearchell ang masusunod, pasok si Gazini Ganados sa top 10 ng Miss Universe, base sa ­preliminary competition, at pati na rin sa ­rehearsals.

May something nga raw kay Gazini na mapapa-wow ka na lang. Na sa swimsuit competition nga raw, parang dinala o inakit ni Gazini ang lahat ng mga tao sa loob ng theatre.

Bet din nina Pipe Vlogs, ­Juanderboy, at marami pang ­vlogger ang performance ni ­Gazini, lalo na sa National Costume.

Sabi nga ni Gazini sa interview, hindi pa niya inilalabas ang mga alas niya sa preliminary, at rehearsals, dahil sa pageant night nga raw niya itotodo nang husto ang lahat.

Siyempre, may mga ­vlogger din naman ang nagsabi na ­malabo at hindi mangyayari ang back to back nina Catriona Gray at Gazini. Mas bet nga nila ang Thailand at Venezuela, at pati na sina Croatia, France at ­Cambodia.

Para naman sa sikat na vlogger na si Sam Khreich, bukod sa India, Peru, Indonesia, paborito at hangang-hanga siya kay Gazini.

“She looks incredible. I was smiling the entire time she was walking on the stage. Her gown looks different. She stood out. She nailed it. What a stunner!” sabi pa ni Sam.

Ganun din ang chika ni international vlogger na si Brian Javier. Na para sa kanya ay ma­laki ang chance ni Gazini, dahil napakaganda nga raw nito, na alam na alam daw nito kung paano dalhin ang gown, kahit medyo mahirap irampa.

Anyway, nakasalalay nga sa pitong babae na hurado ang kapalaran ni Gazini ngayon.

Paburan kaya nina Gaby Espino, Bozoma “Boz” Saint John, Cara Mund, Sazan ­Hendrix, Crystle Stewart, ­Paulina Vega at Riyo Mori si Gazini?

Abangan! (­Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More