Una sa Balita

Gazini Ganados may ibubuga sa mga Latina

0 336

Tama si Annie Alejo (head ng corporate communications ng Bb. Pilipinas Charity Inc.), na matindi ang laban ni Gazini Ganados ng Talisay, Cebu.

Sa last event ng mga kandidata ng Bb. Pilipinas na kung saan ay imbitado ang “Abantelliling” (online show namin ni Rey Pu-maloy na mapapanood sa Abante News Online Facebook page), tinanong ko si Annie kung sino sa tingin niya ang posibleng mag-uwi ng korona.

Sabi niya maraming magaganda, mahirap hulaan, pero para sa kanya, iba raw ang dating ng mukha, kaseksihan ni Miss Talisay, Cebu.

Kasi nga, ang maingay talaga sa social media ay sina Emma Tiglao, Patch Magtanong, at Vickie Rushton. Meaning, baka isa sa kanila ang makasungkit ng Miss Universe Philippines. Na kung manalo man si Gazini, baka ibang korona ang mapunta sa kanya.

Pero, base sa naging performance ng mga kandidata, sobrang umangat ang ganda, kaseksihan, husay ni Gazini, ha! Kung sa mga ibang aktibidad ng mga kandidata noon ay tahimik siya, at halos hindi mapansin, dahil palagi ngang outstanding ang performances nina Emma, Patch at Vickie, bigla nga siyang nanggulat sa coronation night.

Pero, sino nga ba si Gazini? Well, bongga nga ang height ni Gazini na 5’9” na kahit itabi mo sa ibang kandidata sa Miss Universe, mapapansin talaga siya. Sa edad na 23 ay nagmomodelo na siya, at graduate nga siya sa kursong Tourism sa University of San Jose Recoletos.

Marami nga ang nagsasabing kahawig ni Gazini (na may lahing Filipino-Palestinian) si Miss South Africa 2018 Tamaryn Green, pati na si Miss Venezuela 2018 Sthefany Gutierrez.

Ang kagandahan nga ni Gazini ay masasabing universal face, na classic. So, malaki raw ang laban ni Gazini na masungkit ang korona ng Miss Universe 2019. Nangangamoy back-to-back nga raw.

Anyway, ang adbokasiya ni Gazini ang isa sa nagpanalo sa kanya, na nagpo-focus sa mga matatanda.

Na-distract ako! – Vickie

“Na-distract ako!” ang sabi ni V­ickie Rushton kay Jeff Fernando, matapos ang koronasyon ng Bb. Pilipinas 2019 sa Araneta Coliseum noong Linggo nang gabi.

Hindi nga masyadong nakasagot si Vickie sa tanong sa kanya ng hurado na si Daniel Padilla. Medyo nataranta siya sa portion na ‘yon, at ‘yun nga ang dahilan kung bakit hindi siya nakasungkit ng kahit isang korona.

“Sa audience po kasi, may tumayo. Biglang nag-make face. Na-distract ako! ‘Yun po talaga,” sabi ni Vickie.

“Of course naghanda naman po ako. Pero ‘yun nga po, nag-make face, medyo nawala ako sa sarili,” sambit niya.

Pero siyempre, hindi naman puwedeng idahilan ‘yon, na dahil may nag-make face, kaya ganu’n ang nangyari. ‘Di ba nga, may tinatawag tayong ‘grace under pressure.’ Na kahit anong eksena pa ang makita mo, mangyari sa harap mo, dapat ay focused ka lang talaga.

Sa interview kay Vickie, wala pa raw siyang naiisip na gagawin pagkatapos ng beauty pageant.

“Nanghihinayang po talaga ako. Pero, nangyari na po ‘yon.

“Basta ‘yung advocacy ko po, tuloy-tuloy pa rin,” saad ni Vickie na humakot nga ng sangkatutak na awards.

Sports center sa Pateros pinaganda ng ABS-CBN

Mas gaganahan na ang mga taga-Sto. Rosario, Silangan sa Pateros na makipaglaro sa pinaganda na Sports Center ng ABS-CBN News sa kanilang programang “Lingkod Patrol Caravan.”

Pinalabas ang pagbubukas ng renovated multi-purpose court noong isang gabi sa “Rated K,” kung saan pinakitang nagdala ng saya ang ilang Kapamilya programs tulad ng isang Zumba session ng “Sports U” host na si Dyan Castillejo at ang animal show ni Kim Atienza.

Dinala rin ng mga prog-rama ang kampeon ng MBPL na San Juan Knights pati ang basketball team ng Chooks to Go na nakipaglaro sa mga taga-Pateros.

Hindi naman nagpahuli si Korina Sanchez at pinamunuan muli ang ‘Handog Tsinelas’ program ng kanyang show. Binigyan din niya ng P500 pesos ang batang nagmamay-ari ng pinakapangit na tsinelas.

Mula ngayon, mas masisigurado na rin ang kaligtasan nila sa kanilang paliga ng basketball sa mga bata, o pa-zumba para naman para sa mga nanay.

Tunay na may malasakit ang mga taga-Dos sa ating mga kababayang Pilipino at patuloy ang kanilang pagbibigay-tulong sa kanila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy