Una sa Balita

Gazini Ganados ginamit sa kalokohan

0 337

May apela si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados sa kanyang mga social media follower na tulungan siyang i-report ang isang Facebook account na ginagamit ang pangalan niya.

Sa kanyang Instagram Story, pinost ni Gazini ang screenshot ng naturang fake Facebook account na ginagamit sa kalokohan. Kung ano raw ang mabasa nila sa naturang fake FB account, hindi raw siya iyon at sana raw ay matanggal na raw ito para walang follower ng beauty queen ang malito.

Isa lang si Gazini sa naging biktima ng fake Facebook account. May higit na 3 billion fake accounts na ang na-block ng Facebook. Ang tawag sa mga rito ay “bots”.

Isa sa violation ng Facebook’s terms of service ay ang magbigay ng false information sa pamamagitan ng paggamit ng fake account.

In 2018, higit na 1.2 billion bots ang na-disable ng Facebook. Sa first quarter pa lang ng 2019, higit na 2.19 billion bots ang inalis sa FB. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy