Una sa Balita

Gazini ‘di malungkot sa pagkatalo

0 400

Walang kalungkutan na makikita sa mukha ni Miss U Philippines Gazini Ganados pagkatapos siyang hindi makaabante sa Top 10 ng Miss Universe 2019.

In-enjoy daw niya ang experience niya sa pageant at ginawa naman daw niya ang kanyang best sa buong competition.

“This experience has been so fun, kahit na ten days lang siya. I know that I did my best. I hope I made you proud.

“What I learned from this batch, no matter what happens, if you win or not, you still have a sister in everyone.

“So that’s what I really love about everyone’s personality, everyone’s unique.”

Nabigyan naman ng special award si Gazini bilang Best in National Costume. Suot niya ang creation ni Cary Santiago na inspired ng Philippine Eagle.

Ito ang second time na manalo ng Pilipinas sa Best in National Costume. Unang nanalo rito ay si Charlene Gonzalez sa Miss Universe 1994 suot ang isang Tausug-inspired costume.

Muntik pa ngang masilat ang award na ito from Gazini dahil ang kandidatang tumabi sa MU host na si Steve Harvey ay si Miss Malaysia. Pero si Miss Philippines ang pinakitang photo sa monitor ni Harvey. Inakala ni Harvey na mali na naman ang nabasa niya.

Tinama nga ng Miss Universe Organization ang issue na tama si Harvey sa pag-announce na si Miss Philippines ang nanalo at hindi si Miss Malaysia. Umani ng maraming batikos ang production staff ng MU dahil sa pagkakamaling ito at naagawan tuloy ng moment si Miss Philippines. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More