Una sa Balita

Gayoso lilipad sa Eagles

By
0 627

Magtutuos agad ang Ateneo de Manila University at University of the Philippines sa pagbubukas ng UAAP Season 80 men’s football tournament sa Pebrero 4 sa Rizal Memorial Track-Football Stadium.

Sisimulan ng back-to-back title-seeking Blue Eagles ang kampanya laban sa Fighting Maroons sa opening matchdad sa alas-4 ng hapon.

Sa ibang pares ng laban, maghaharap ang Far Eastern University at University of Santo Tomas, sa alas-9:00 ng umaga habang magkatapat ang National University ang University of the East sa ala-1:30 ng hapon.

Tampok sa match-up ang pagtatapat ng dalawa sa top national under-22 players na sina last season MVP Jarvey Gayoso ng Ateneo at King Miyagi ng UP.

Si Gayoso lang ang nakaiskor ng manalo ang Eagles sa championship laban sa Far Eastern University sa nakaraang taon habang si Miyagi ang namuno sa Maroons para itaob ang Ateneo, 4-1 may dalawang seasons na ang nakaraan.

Susunod na banatan sa Feb. 8 sa parehong venue, magkakaldagan ang De La Salle University at Tamaraws, (4 p.m), Fighting Maroons kontra Red Warriors, (2 p.m.) at Adamson University laban sa Growling Tigers (9 a.m.).