Una sa Balita

Gaya-gaya kay Ryza Cenon: LJ Reyes gusto ring maging Kapamilya

By
0 1,933

Tatlong taon na palang nagsasama sina LJ Reyes at Paolo Contis. Pero wala pa sa plano nila ang magpakasal.

Ayaw raw ni LJ na madaliin ito lalo na nanggaling siya sa failed relationship. Darating na lang daw ‘yun at hindi kailangan madaliin. Okay naman daw ang relasyon ni Pao at ng anak niya kay Paulo Avelino na si Aki.

Si LJ ay mula sa batch 2 ng Starstruck kung saan sina Mike Tan at Ryza Cenon ang ultimate survivors. Sa social media na lang daw niya nalaman ang pag-ober the bakod ni Ryza sa ABS-CBN.

Wala naman daw problema sa kanya ‘yun kung sa palagay ni Ryza ay doon siya maggo-grow. Siya ay mananatili sa GMA at due na siya for renewal sa GMA.

Sa tingin daw niya ay sa GMA siya mananatili pero hindi siya nagsasalita ng tapos. Okay naman daw siya dito at super ang alaga sa kanya ng network. Pero ‘yun nga, ayaw niyang magsalita nang patapos, dahil ang manager niyang si Perry Lansigan ay very close rin sa mga taga-ABS CBN, ha!

Si LJ ay kasama sa cast ng The Cure na magpa-pilot episode sa Lunes, April 30. Sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez ang mga bida sa upcoming teleserye.

Sheryl, Sen. Grace dedmahan pa rin

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nag-uusap ang magpinsan na Sheryl Cruz at Senator Grace Poe. Hindi pa raw nagkakasalubong ng landas ang dalawa at wala naman daw problema.

May plano palang tumakbo sa pagka-Konsehal sa Maynila si Sheryl next year. Pero 50/50 pa raw at hindi namin naitanong kung anong partido ang lalahukan niya.

Si Sheryl ay kasama sa cast ng My Guitar Princess na pagbibidahan ni Julie Anne San Jose, Gil Cuerva at Kiko Estrada. Bale si Sheryl ang ina ni Julie Anne.

Lola ni Kiko may stage 4 cancer

Speaking of Kiko Estrada na leading man ni Julie Anne San Jose sa My Guitar Princess, emotional siya nang makausap namin. Ang lola niya na si Nena Diaz ay may stage 4 cancer sa pancreas at nabibi­lang na lang ang araw nito ayon sa doktor.

Kaya at least twice a week ay dinadalaw niya ito sa hospital to cheer her up. Sa mother side si Kiko lumaki at kaya malapit ito sa Lola Nena niya.

Ang The Cure ay eere sa GMA simula sa Lunes, May 7 bago mag Eat Bulaga.

Bitoy na-inspire kay Robert Downey, Jr.

After um-attend ng junket for The Avengers sa Singapore ay balik taping si Michael V. sa Bubble Gang at Pepito Manaloto na bukod sa pagiging artista ay part din siya ng Creative group. Mukhang happy si Bitoy sa pagbabalik sa trabaho after niyang makadaupang palad si Robert Downey, Jr. na nakita namin sa IG mismo ni Downey ang picture niya kasama si Bitoy at ilang participants.

Kaya ganado si Bitoy na lalong pagandahin ang Bubble Gang every Friday at Pepito Manaloto every Saturday ng gabi. Na-inspire talaga siya kay Robert, ha!