Una sa Balita

Gay TV host tikom ang bibig sa mga natikmang basketbolista

By
0 2,851

Bibilib ka sa gay TV host na ito dahil kahit sangkaterbang basketball players ang kakilala at nali-link sa kanya, palaging ‘my lips are sealed’ ang drama niya kapag inuusisa siya kung may nahada ba siya sa mga ito.

Kahit nga sa tsikang siya ang nauna sa isang controversial basketball player at nothing but a second-rate (na mala-Cherie Gil sa Bituing Walang Ningning ang pagkaka-dialogue) ang isang controversial female personality sa lalaking ‘yon, aba, quiet lang si gay TV host.

At kahit nga nakikita siya na kasa-kasama ang ilang team members ng ilang varsity teams, dedma pa rin si gay TV host kapag tinatanong kung may natikman ba siya sa mga ‘yon.

Ang tsika kasi ni gay TV host, hindi naman daw maganda na napagbigyan na siya ay idadaldal pa niya.

Well…

Mother Lily gustong pag-artistahin si Zion

Buddy-buddy sina Mother Lily Monteverde at Annabelle Rama, kaya nang mag-dinner sila sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan, pinasunod kami ni Bisaya sa kanila.

Dinatnan nga namin sila na kumakain pa kasama si Tito Eddie Gutierrez. Kung ano-ano ang topic ng usapan namin.

May mga suggestion si Mother Lily kay Bisaya tungkol sa Gutierrez family at mukhang maganda naman ang mga ‘yon.

Maya-maya, ang birthday naman ng apo nina Tito Eddie at Bisaya na si Zion ang topic ng usapan. Eh, mamaya na kasi ang 5th birthday party ni Zion at a-attend nga raw roon si Mother Lily. Sobrang puri niya ang panganay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Bilib si Mother Lily sa sobrang pagiging talented ni Zion.

Sabi ni Mother Lily, dapat i-develop ang galing ni Zion sa pagkanta, pagsayaw at pagtugtog ng musical instrument.

“Saka bagay mag-artista si Zion. Pero papayag ba sina Richard at Sarah, ha, Bisaya?” tanong ni Mother Lily sa Gutierrez matriarch.

At dahil kami na lang ang tao sa restaurant at nakita ni Mother Lily ang piano, bigla, pinuntahan niya ‘yon at tumugtog siya at napakagaling naman!

Para ngang nag-perform si Mother Lily para sa amin nina Tito Eddie, Bisaya at waiters sa restaurant na ‘yon!

Sabi pa ni Mother Lily, i-record ko raw ang pagpa-piano niya, kaya kinunan ko ‘yon at ipinost sa aking Instagram account (@junlalin).

Ang naaliw lang ako kay Mother Lily, after ng kanyang ‘performance’ ay ang tungkol naman sa My 2 Mommies ang topic niya sa akin.

Huwag daw kalimutang i-promote na May 9 na ang showing ng pelikulang pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff na comeback movie rin ni Maricel Soriano sa Regal Entertainment, huh!

“Ikaw, hindi ka nag-attend ng presscon ng My 2 Mommies, ako pa nag-text sa ‘yo,” panunumbat pa sa akin ni Mother Lily at nang sabihin kong wala akong text na natanggap mula sa kanya ay kinalikot kaagad ang kanyang cellphone para patunayang itinext niya ako.