Una sa Balita

Gay bar sa Spain nabutas sa yugyugan, 40 sugatan

By
0 24

Sugatan ang 40-katao matapos bumagsak ang bahagi ng ikalawang palapag ng nightclub sa Spain nitong Linggo ng hatinggabi.

Agad namang nailigtas ng rescuers ang mga taong nahulog sa basement matapos na bumigay ang tinatayang 43 square feet na sahig dahil sa mala-sardinas na siksikan ng mga customer sa Butterfly Disco Club sa Adeje, Tenerife, na kilalang isang gay club.

Kabilang sa mga sugatan ay dalawang Pranses na may edad na 38 at 40, dalawang lalaking Briton na may edad na 57 at 59, isang 45-anyos na lalaking Romanian at 23-anyos na babaeng Belgian.

Abante Hiring – IT dep

Nagtamo ng mga sugat at bali sa paa ang mga biktima. Dalawa sa sugatan ang itinuring na seryoso.

“After the floor collapsed, the people who were inside fell to the basement from the height of ­approximately one floor,” ayon sa statement ng Canary Islands.

Nagbabad hanggang alas-sais ng umaga ang mga bumbero para lang masiguro na walang naipit sa gumuhong sahig.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang dahilan ng pagbagsak ng sahig ng bar.