Una sa Balita

Gawing ligtas ang habal-habal sa Metro

0 183

Laganap na ang gamit ng motorsiklo sa pang-araw-araw lalo na sa siyudad.

Ayon sa datos ng LTO noong 2017, umaabot na sa 6.2 milyon ang rehistradong motorsiklo at traysikel sa buong bansa. Noong 2018 lang, nagtala ang LTO 2.23 milyon bagong re-histro ng mga motorsiklo.

Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga kotse dahil sa TRAIN law, asa-han pang lalong dadami ang gagamit ng motorsiklo sa darating na mga taon kaya mas titindi ang trapiko.

Desperado na ang mga ordinaryong mamayan ng alternative na masasakyan araw-araw. Eto ang dahilan kaya’t nagsulputan ang mga motorcycle taxi, tulad sa Bangkok, Jakarta, Kuala Lumpur at Ho Chi Minh.

Laganap eto sa Visayas at Mindanao noon pa man, at kilala sa bansag na “habal-habal”. Dahil sa lagay ng trapiko at kakulangan ng masasakyan, laganap na rin ang mga eto sa Metro Manila at Metro Cebu.

Related Posts

Sa katunayan, una etong napansin ng Cebu newspaper na Freeman sa editorial noong October 2011: “Habal-habal invades Metro Manila.”

Sa kabila ng popularidad ng habal-habal, kailangang pagtuunan ng mga transport authority ang ilang problema para maging ligtas na alternatibong masasakyan.

Bukod sa pagiging alternative transport system, nagbibigay din ang habal-habal ng pagkakakitaan sa mga libu-libong motorcycle riders. Dahil dito, ang habal-habal ay dapat isang inclusive system kung saan nakikinabang ang mga mahirap na kababayan, na karamihan ay nasa labas ng Metro Manila.

At tulad ng ibang public utility services, dapat ay laan lamang para sa mga Filipino citizen. Huwag nang hayaaan na agawin pa ng mga dayuhang operator ang pagpapatakbo ng habal-habal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy