Una sa Balita

Gawilan sabak anumang oras

0 344

ISA sa pambato ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman William “Butch” Ramirez si swimmer Ernie Gawilan.

Ipinagmamalaki ng Philippine Para team si Gawilan na nakatakda sanang sumabak sa 2020 Tokyo Paralympic Games.

Pero naudlot ang asam ni 29-year-old Gawilan sa pagsungkit ng gintong medalya, nakansela ang nasabing event dahil sa pag-atake ng COVID-19 sa buong mundo.

Isinilang na walang binti, hindi tumigil si Gawilan sa kanyang training upang anumang oras na magbigay ng bagong petsa ang organizer ng Olympic Games ay nakahanda ito.

Nakakuha ng ticket si Gawilan nang magpakitang gilas sa 2018 Asian Para Games sa Indonesia.

Nagwagi ng gold medal si Gawilan sa 400-meter freestyle (S7 class), 100m backstroke (S7 class) at 200m individual medley (SM7 class) sapat upang makalikom ng qualification points. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More