Una sa Balita

Gatchalian sa DepEd: Buong resulta ng Phil-IRI test ilabas

0 335

HINIKAYAT ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na maki­pag-ugnayan sa mga local government unit (LGU) upang palakasin ang mga programa sa pagbabasa.

Ito’y bunga na rin ng lumabas na resulta ng mga pre-test ng Philippine Informal Reading Inventory 2019 (Phil-IRI) na may malaking bilang ng mga mag-aaral sa Bicol region ang nahihirapan pa ring bumasa.

Isinasagawa ang Phil-IRI upang suriin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng English at Filipino.

Ayon kay Gatcha­lian, dapat gamitin ang mga resulta ng Phil-IRI upang magabayan ang programa ng mga paaralan at mga LGU. Sa kasalukuyan, hindi pa nilalabas ng DepEd ang kabuuang resulta ng naturang assessment.

Nauna nang sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, mahirap ilabas ang kabuuang resulta ng Phil-IRI dahil hindi ito standardized tulad ng National Achievement Test (NAT).

Pero giit ni Gatcha­lian, sayang lamang ang panahon kung hindi magagamit ang resulta ng Phil-IRI sa pagdi­senyo ng mga programa at mga intervention.

“Mahalagang tutukan natin nang husto itong Phil-IRI. Kaila­ngan natin ng assessment sa buong bansa at ianunsiyo ang magiging resulta,” ani Gatcha­lian, chairman ng Senate committee on basic education, arts and culture. (Dindo ­Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More