Gatchalian nanawagan ng transparent bidding sa enerhiya
Hinimok ni Senator Sherwin T. Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy ang pamunuan ng Department of Energy (DOE) na magsagawa ng open at transparent bidding ng mga distribution utility sa kinakailangang seguridad sa enerhiya sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, ang kaniyang panawagan para sa open at transparent bidding sa competitive selection process ng Meralco ay base sa polisiya sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), upang matiyak ang pagkakaroon ng ‘transparent and reasonable prices of electricity in a regime of free and fair competition and full public accountability’.
Related Posts
“In adherence to the prescribed spirit of free and fair competition, both existing and new power plants should be allowed to join Meralco’s upcoming bidding for a 1,200-megawatt power supply agreement (PSA),” paliwanag ng senador.
Aniya, ang isinusulong na panukala ni DOE Secretary Alfonso G. Cusi na hatiin ang Meralco supply requirement sa bidding sa maliliit na bahagi at payagan ang ‘stacking of bids’ ay maihahalintulad din na paunlarin ang minimithing paligsahan sa pagtatayo na pinag-isipan sa EPIRA.