Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gatchalian hiniling kay Galvez magtayo ng field hospital

0 587

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na ikonsidera ang pagtatayo ng mga field hospital para madagdagan ang bed capacity at makapag-accommodate pa ng maraming pasyente na COVID-19 positive.

Ayon kay Gatchalian, maraming mga arkitektong Pinoy ang nakapag-disenyo ng low-cost Emergency Quarantine Facility (ECF) na maaring mag-accommodate ng 15 bed, may external texting box, disinfecting space at lavatory facility.

Sabi ni Gatchalian, naparating na niya ang ideyang ito kay National Task Force on COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. at pinag-aaralan na ang pagatayo nito sa mga pangunahing lugar sa bansa para makontrol ang kontaminasyon ng virus. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.