Una sa Balita

Gastos sa ospital ng mga COVID patient sagot ng Philhealth

0 700

Sasagutin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang lahat ng gastos ng mamamayan na naospital dahil sa coronavirus disease 2019.

Ito ang tiniyak ni Philhealth President at Chief Executive Officer retired Gen. Ricardo Morales sa harap ng agam-agam at pangamba ng publiko sa kanilang bill sa pagamutan.

Sa Laging Handa press briefing sa PTV-4, sinabi ni Morales na walang gagastusin at hindi kailangang maglabas ng pera ang COVID-19 patients.

Mayroon aniyang COVID package ang PhilHealth na ipinapatupad na ngayon ng ahensiya.

“Babayaran ng Philhealth ang medical expenses nila,especially yung ating mga public health workers, gusto natin silang bigyan ng peace of mind para sila makapag-focus sa kanilang trabaho. Wala silang alalahanin kung sila ay magkakasakit. Sasagutin ng Philhealth ang lahat ng kanilang medical expenses,” an Morales.

Naglabas na aniya ang Philhealth ng P1.6 billion sa mga hospital simula nitong Miyerkules at tuloy-tuloy ang pagpapalabas ng pondo mula sa P30 billion na inilaan para sa COVID package.

“Lahat ngayon ay no balance billing, alinsunod sa universal health care program, kaya ang mga tatamaan ng COVID-19 ay hindi dapat na maglabas ng pera,dagdag ni Morales.

Hindi kasama sa sasagutin ng Philhealth ang mga COVID-19 patient na nag-self testing dahil dapat na dumaan ang mga ito sa mga hospital at mga clinic. (Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More