Una sa Balita

Gasolinahan hinoldap

By
0 158

TALAVERA, Nueva Ecija — Nagpagasolina muna bago nangholdap ang apat na kalalakihan sa Caltex Gasoline Station sa Brgy. Dinarayat dito ­kahapon ng madaling-araw.

Sang-ayon sa ulat ni P/Supt. Joe Neil Rojo na dakong alas-12:51 kahapon ng madaling-araw nang isumbong sa pulisya ni John-John Duldulao Dela Cruz, 21-anyos, sekyu, residente ng Brgy. Santo Rosario, Santo Domingo, Nueva Ecija ang ukol sa holdapan.

Nabatid na sakay ang mga salarin ng kotse na may plakang NLQ 291 at nagpakarga muna ng gasolina.

Pagkaraang makargahan ang kotse ay bumaba ang tatlong salarin na armado ng mahaba at maikling baril.

Tinutukan agad ang tauhan ng gasolinahan na may nakasukbit na shoulder bag na naglalaman ng benta na umabot sa P40,315.

Kinuha rin ng mga salarin ang mga bag ng dalawang crew na may P5,300 cash, dalawang cellphone, ATM cards at mga IDs. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More