Una sa Balita

Gasolina, diesel tinapyasan ng 2 kada litro

By
0 747

Muling nagpatupad ng rollback sa kanilang produkto ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Unang naganunsiyo ang Phoenix Petroleum Corporation, dalawang piso ang tinapyas sa kada litro ng gasolina at diesel, epektibo ng alas-12:00 nang tanghali nitong Sabado.

Inaasahang susundan naman ito ng iba pang kompanya ng langis.

Ito na ang ikawalong sunod na nagpatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis kung saan P11.85 na ang naibawas sa kada litro ng gasolina habang P10.40 naman sa diesel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy