Una sa Balita

Gasol ‘di namalahibo sa Toronto

By
0 511

WALANG iniwan si Marc Gasol sa bagong lipat na estudyante bago ang unang laro niya sa ­Toronto Raptors.

Kinorner niya si Raptors assistant coach Sergio Scariolo para magtanong. Hindi na siya nanibago kay Scariolo dahil ito rin ang coach niya sa Spain ­national team.

“Obviously I asked him a lot of questions about what should have been happening in each situation,” wika ni Gasol pagkatapos ng 104-99 win sa New York Knicks, Sabado ng gabi.

Bandang huli, hinayaan din ni Gasol ang kanyang basketball instinct na mag-take over.
Nagsumite ang Spaniard ng 7 points at 6 rebounds para sa Toronto.

Sadsad ang Knicks sa franchise record-tying 16th straight loss.

Tumagal ng 19 minutes si Gasol, nakuha sa Memphis bago ang trade deadline noong Huwebes. Pumasok ang three-time All-Star sa dulo ng first quarter at pasok agad ang hook shot sa unang bitaw.

Sa Grizzlies lahat ginugol ng 7-footer ang first 11 seasons niya sa NBA. Naging kakampi rin niya doon si Kyle Lowry pero tumagal lang ng kalaha­ting season dahil nalipat agad sa Toronto ang point guard.

Hindi na rin bago kay Gasol si Kawhi Leonard, nakakasagupa niya sa Western Conference habang nasa San Antonio ang huli.
Nagsumite si Lowry ng 22 points, may 15 points at 13 rebounds si Serge Ibaka sa Raptors. Balik sa lineup si Leonard matapos ipahinga ang ­nananakit na kaliwang tuhod at nag-deliver ng 11 points.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy