Una sa Balita

Gasol, 6 pang NBA player lalaro sa Spain

0 313

Pangungunahan ni Pau Gasol ang Spanish Olympic men’s basketball team, na may pitong NBA players, pinakamarami sa alinmang bansa, maliban sa koponan ng US.

Ang Spain ay natalo sa US team sa huling dalawang Olympic finals at isa pa rin sa pinakamabigat na kalaban ng Ame­ricans ngayong taong Rio Olympics, bukod sa koponan ng France.

Kasama ni Gasol sa team ng Spain sina Olym­pic veterans Ricky Rubio, Jose Calderon at Sergio Rodriguez at Olym­pic rookies Alex Abrines, Guillermo Hernangomez at Nikola Mirotic.

Sina former NBA players at Olympic vete­rans Juan Carlos Navarro at Rudy Fernandez ay kabilang rin sa koponan.

Dalawang player naman na kasama sa 2012 Games – – ang nakababatang kapatid ni Pau na si Marc, ay hindi makalalaro matapos sumaila­lim sa broken foot surgery noong Pebrero 23, gayundin si Serge Ibaka ng Orlando Magic.

Samantala, pinabulaanan ni Golden State Warriors Kevin Durant ang balitang nangako siya sa dating teammate na si Russell Westbrook na muling pipirma sa Thunder.

“It’s false,” lahad ni Durant sa The Vertical noong Huwebes. “I didn’t say that – words about me telling Russell or Nick (Collison) that I would stay or leave never came out of my mouth. We met as teammates, but no promises came out of it. In this day and age, I can’t control anything people claim out there. Someone can go out and say something random right now, and people will believe it.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More