Una sa Balita

Gas tanker sa Sudan sumabog, 23 patay

0 299

TODAS ang may 23 katao habang mahigit 130 pa ang sugatan matapos sumabog ang isang gas tanker sa Khartoum, Sudan.

Sumabog ang gas tanker habang nag-a-unloading­ sa mga ceramic factory noong Martes, ayon sa India Today report.

Sa lakas ng pagsabog, nadamay sa sunog ang mga nakaparadang sasakyan sa kalapit na lote at naabo rin ang factory.

Sunog na sunog ang mga bangkay na narekober na nagtatrabaho sa nasabing lugar na karamihan ay mula sa Asian country.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na kawalan ng safety measure, equipment at random storage ng mga flammable material sa factory ang pinagmulan ng pagsabog. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More