Una sa Balita

Gary V. ipinagdasal si Pangulong Duterte

0 828

Matapos ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bayan nitong Lunes ng gabi, kanya-kanyang reaksiyon agad ang mga tao.

Isa nga sa nakakuha ng atensiyon ay ang reaksiyon ni Gary Valenciano sa Twitter.

“To our president, President Rodrigo Duterte, there are so many opinions after each time you speak, but I choose to look over all that’s said and simply follow what I know my God wants me to do; and that is to keep you covered in prayer. God bless you sir…God bless us all.”

May mga nag-interpret sa mensaheng ito ni Gary.

Sabi ni Gelo Guison; “@GaryValenciano1 translation: di ko na lang papansinin ang mga sinabi mo, pagpepray na lang kita. hahahaha! or translation: alam ko namang hopeless case ka na kaya pagpepray na lang kita.”

Agad na sagot naman ni Gary: “Hi Gelo. You’re included in my prayers this morning. I really hope you stay safe and protected for this virus…you and your entire family. Ingat k? God bless you.”

Hirit naman ni akiekou_Ghing: “@GaryValenciano1. Ok lang din naman!!! wala naman problema babawiin namin presidente namin tapos!!! sa inyu na yan luzon!! paki namin dyan!!! bxta yung taga luzon wag na wag aapak sa davao!!! yun lang!!!”

Kaya ang sagot naman ni Gary: “So much hatred in your heart… how sad. I know you are better than this.”

Sa huli siyempre ay nagdasal pa rin si Gary para sa lahat.

“Lord, it’s another day. We’re still seeing the numbers of those infected by the virus rise. Anyone can get it and only You can help shield us from it. I pray for wisdom for all our leaders; patience and perseverance for all fellow Filipinos. Listen to our prayers for mercy Lord.”

Pero sana nga, magkasundo, magtulong-tulong ang lahat, dahil hindi ito ang oras para magbangayan. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More