Una sa Balita

Garner, Affleck opisyal nang hiwalay

By
0 563

Officially divorced na ang ex-Hollywood couple na sina Jennifer Garner at Ben Affleck. Ayon sa report ng People, nakipag-meet na ang estranged couple sa kanilang lawyers at isang private judge para maging mabilis na ang proceedings noong nakaraang October 4.

Ang pagkakapasok ulit ni Ben sa rehab ang naging dahilan ni Garner na ipa-finalize ang kanilang divorce na tatlong taon nang nakabin­bin.

Kasabay ng pagiging officially divorce na ni Ben ay ang pag-post nito sa social media tungkol sa 40-day stay niya sa isang rehab clinic.

“Battling any addiction is a lifelong and difficult struggle. Because of that, one is never really in or out of treatment. It is a full-time commitment. I am fighting for myself and my family. So many people have reached out on social media and spoken about their own journeys with addiction. To those people, I want to say thank you.”

Sampung taong kasal sina Ben and Jen until maghiwalay sila noong June 2015. May tatlo silang anak na sina Violet, 12, Seraphina, 9, and Samuel, 6.

Sa tatlong taon paurong-sulong ang divorce nila, nakarelasyon ni Ben ang dalawang babae, ang Saturday Night Live producer na si Lindsay Shookus at ang Playboy model na si Shauna Sexton.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More