Una sa Balita

GARNER AT AFFLECK, NAG-FILE NA NG DIBORSYO!

By
0 119

Pagkatapos ng ilang beses na paurung-sulong, nakapagdesisyon na ang estranged couple na sina Jennifer Garner at Ben Affleck na mag-file na ng pormal na petition para mag-divorce na sila.

Nag-file ang former Hollywood couple ng divorce petitions nila sa Los Angeles County Superior Court, citing irreconcilable differences and seeking joint custody of their three children, who range from 5 to 11.

Walang attorney na present sa pag-file nina Ben and Jen. Naghiwalay ang dalawa noong June 2015 pagkatapos ng sampung taong kasal sa isa’t isa.

“We go forward with love and friendship for one another and a commitment to co-parenting our children.

This will be our only comment on this private, family matter,” ayon pa kina Ben and Jen sa isang joint statement para sa media.

Dahil sa formal na ang pag-file ng divorce, magkakaroon ng division of assets. Kasama sa paghahatian nila ay ang malaking bahay nila sa Los Angeles.

According to sources, naghahanap na raw si Jen ng matitirhan nila ng mga anak niya na hindi malayo sa school.

Samantalang si Ben ay naghahanap na rin ng sarili niyang bahay na malilipatan sa may Hollywood Hills.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More