Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Garin pumalag sa arrest warrant

0 256

“Fake news yan.”

Ito ang reaksiyon ni dating Health Secretary at Ilo -Ilo Rep. Janette Loreto-Garin sa kumalat na report ukol sa arrest warrant na inisyu umano ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 107 laban sa kanya at 3 iba pa kaugnay sa kasong may kinalaman sa Dengvaxia vaccine.

SM food to go Banner Ad

“This news, yet again, is another attempt to mislead and condition the public’s mind…Walang katotohanan na kami o ako ay pinapahuli sapagkat sumusunod ang ating mga korte at mga hukom sa proseso ng tunay na hustisya,” ayon kay Garin.

Sa halip paliwanag ng lady solon, nakapaloob sa court document na binigyan sila ng direktiba ng korte na magpyansa sa loob ng tatlong araw mula sa panahon na kanilang natanggap ang court order.

Si Garin at tatlo pa ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide, dahil sa pagkamatay ng mga estudyanteng sina Marc-Axl Eboña at Zandro Colite nang dahil umano sa Dengvaxia vaccine. (Eralyn Prado)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.