Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Garin nagpaliwanag sa pagsingit sa Dengvaxia sa ABS-CBN franchise hearing

0 201

Naglabas ng pahayag si dating Health Secretary Rep. Janette Loreto-Garin tungkol sa pag-ungkat niya sa Dengvaxia sa pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN na umani ng iba’t ibang reaksyon at nag-trending sa social media noong Lunes.

Paliwanag niya, ang Section 4 ng House Bill 4349, na naglalayong i-renew ang prangkisa ng ABS CBN, ay tungkol sa “responsibility to the public”.

Kabilang daw doon ang palagiang pagbibigay ng “sound at balanced programming”, “assisting in the functions of public information and education” at lalong-lalo na ang hindi paggamit sa istasyon at pasilidad nito para sa “dissemination of deliberately false information” o “willful misrepresentation to the detriment of public interest”.

“I am thankful that during the hearing, ABS-CBN acknowledged their use of non-experts causing panic and misinformation. Hopefully they have learned from their mistakes during the psoriasis and dengvaxia issues and in the case of Christine Silawan,” aniya.

“However, the issue of willful misrepresentation remains unresolved. Out of the many possible issues, I chose to make what happened to me an example so as not to involve anyone else who may not want to be involved,” dagdag niya.

Sa dami raw ng mga posibleng isyu, pinili niyang gawing halimbawa ang nangyari sa kanya para wala na raw madamay pa na iba.

“Sa clip ng TV Patrol, pinagmukha akong nanghingi ng paumanhin sa mga magulang dahil sa bakuna. Ito po ay kumalat na rin sa internet, nag-trending at may mga nanghihingi ng resignation ko dahil sa video na ito. Ngunit ang actual interview na iyon ay nangyari sa DZMM. Pinutol lamang ng TV Patrol ang sinabi ko para sa hindi malamang kadahilanan,” giit niya.

Ibinahagi rin niya ang recording at transcript ng naturang panayam sa DZMM.

“Kung inyong pakikinggan o babasahin, maririnig at mababasa niyo po ang sinabi ko mula 16:57 hanggang 17:53. Napakalayo ng aking aktuwal na sinabi sa nais ipahiwatig at iparating ng cut version na pinalabas ng ABS-CBN. This is an example of blatant disregard for the essence of what an interviewee,” paliwanag ni Garin.

“Ito ‘yung sinasabi nating willfull misrepresentation. Upang makulayan o madagdagan ang istorya, pinipili o pinuputol lamang ang ibang impormasyon. Iba tuloy ang dumarating na balita sa ating mga kababayan,” dagdag niya.

Pakinggan ang panayam dito: garin1

Leave A Reply

Your email address will not be published.