Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gardo katakam-takam uli

0 22

Seksi na uli si Gardo Versoza. Bumalik na ang katawan niya na pinagnasaan noong panahong aktibo siya sa paggawa ng mga sexy movie sa Seiko Films.

Namangha ang maraming beki sa post ni Gardo na topless sa social media at pinagmalaki nito ang kanyang six-pack abs at matipunong dibdib.
Sa edad na 52, pinatunayan ng aktor na kaya pa niyang ibalik ang dating kakisigan at hindi siya “dad bod”.

Nilagyan ni Gardo ng caption na “thank you Lord” ang kanyang pinost na photo. Marami tuloy ang nakaalala ng kanyang pagganap sa pelikula bilang si Machete noong 1994 kunsaan nakasama siya si Rosanna Roces.
Naging inspirasyon tuloy si Gardo ng ilang mga kaibigan dahil sa pinost niya.

Kabilang na si Randy Santiago na nag-comment na: “‘Yan ang Katawang hinubog ng TikTok at high heels. Maumpisahan na nga. 6 pack. TikToKing.” (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.