Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Garcia sisiw kay Pacquiao

0 52

PATULOY ang hulaan ng mga boxing fan kung sino ang makakalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao ngayong 2021.

Maraming naghahangad na tigasing boksingero na makaharap si fighting senator Pacquaio at naniniwala si Jeff Mayweather, ang tiyuhin at isa sa mga trainer ni undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. na hindi si Ryan Garcia ang pipiliin.

Isang world title fight ang posibleng pinaghahandaan ni Pacquiao at isa kina world champions Terence Crawford at Errol Spence Jr. ang forecast ni Jeff na makakasagupa ng Pambansang Kamao.

SM food to go Banner Ad

Iginiit pa ni Jeff na easy lang na tatalunin ni Pacquiao si Garcia kaya malabong mangyari ang kanilang laban.

“I think that Ryan wants a big payday that’s all. He has no chance against Manny Pacquiao. I mean he’s gonna lose, but he’ll get paid if it happens, but I can’t see it happening,” hayag ni Jeff sa YouTube channel ni Floyd.

Samantala, maraming boxing legend ang naniniwalang kaya pa ng Pinoy icon na makipagsabayan sa mga tigasing boksingero sa welterweight division kahit 42-anyos na ito. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.