Una sa Balita

Garcia, Nouri nasa taas pa

0 274

NANATILING magkasalo sa tuktok sina International Master Jan Emmanuel Garcia at Fide Master Alekhine Nouri matapos magkasundo ng draw sa Round 10 ng 2020 PSC-NCFP Selection Chess Championships Men Grand Finals Biyernes sa PACE Proj. 6 sa Quezon City.

Tangan ang tig 6.5 points, nasa likuran nina Garcia at Nouri si Olympian IM Ricardo de Guzman na may anim na puntos matapos makipag­hatiaan din ng puntos kay National Master Jeth Romy Morado.

“Gumaganda ang laban, natutuwa kami kasi nasa tuktok ulit si Garcia,” ani Reggie Pardillo, palaging sumusubaybay sa laro ni Garcia.

Makakahamukan nina Garcia at Nouri sina John Merill Jacutina at De Guzman sa round 11 ayon sa pagkakasunod.

Nasa solo fourth si Jacutina na may 5.5 puntos habang magkasama sa fifth sina IM John Marvin Miciano at John Jasper Laxamana hawak ang tig-5.0 pts. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More