Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Garcia 2nd sa Arizona

0 186

KINAPOS sa pagsilo ng titulo si Pinoy cue artist Roland Garcia pero hindi naman ito umuwing luhaan sa katatapos na US Pro Billiards Predator Arizona 10-Ball Open na ginanap sa Casino del Sol sa Tucson, Arizona, USA nitong Linggo.

Yumuko ang ipinagmamalaki ng Magalang, Pampanga sa defending champion na si Fedor Gorst sa championship round, 3-4, 2-4 pero kinubra ng Pinoy ang tumataginting na $15,000 runner-up purse.

Naputol ang impresibong tumbok ni Garcia sa nakaraang tatlong araw matapos magtala ng unbeaten record mula sa elimination hanggang sa semifinal round.

“Medyo kinapos na rin po, saka nahirapan din ang katawan dahil sa matinding lamig dito,” paliwanag ng 42 anyos na si Garcia sa panayam ni Ms. Judith Caringal ng Radyo Pilipinas 2.

Dahil sa panibagong tagumpay ay nakamit ni Gorst ang top purse na $25,000.

Kabilang sa mga pinataob ni Garcia ang 2017 World 9-Ball finalist at kapwa Pinoy na si Carlo Biado, Naoyuki Oi ng Japan, Michael Schneider ng Switzerland at Gancisco Sanchez Ruiz ng Spain.

Ang torneo sa Arizona ay susundan ng limang event na bahagi ng qualifier para sa Predator World 10-Ball Championship, kabilang ang Wisconsin Open na gaganapin sa Pebrero 9-12. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.