Una sa Balita

Garces, Chavez salto sa World Taekwondo

0 224

NAGSIMULA na ang kampanya ng Philippine National Taekwondo Team sa 2019 World Taekwondo Championships sa Manchester, United Kingdom Miyerkoles at magtatapos sa darating na Linggo.

Unang sumabak sa 5-day competition sa 10-man team ng bansa sina taekwondo jin Veronica Garces at Dex Ian Chavez ngunit hindi pinalad ang da-lawa na makasikwat ng medalya.

Wagi si Garces sa una nitong laban sa pagsipa ng 24-5 iskor kontra Rubi Nava ng Mexico ngunit nabigo ito makasipa ng mataas na puntos laban kay C­anadian Yvette Yong 13-23 sa women’s 46 kgs. event.

Nabigo man sa u­nang pagkakataon ay kumpyiansa pa rin ang natitirang walong kinatawan ng bansa sa p­angunguna nina vete- ran jins Arven Alcantara, Samuel Morrison at Pauline Lopez. (Myris Lee)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy