Una sa Balita

Garbage crisis nakaamba — DENR

0 339

NAGPAHAYAG ng panga­mba si Environment Secretary Roy Cimatu na nahaharap sa garbage crisis ang Pilipinas.

Ito ay dahil sa kawalan ng maayos na sistema sa pagtatapon at pagkolekta ng basura at hindi na sapat ang ginagawang paglilinis sa mga basura.

“We are now in the middle of a garbage crisis,” ayon kay Cimatu sa kanyang talumpati sa Stratbase Group forum kaugnay sa kapaligiran at ekonomiya.

“If we continue to act only for our independent interests, continue to spoil our water bodies and fail to responsibly manage our wastes, we will not be able to sustain our efforts on this campaign,” patungkol ni Cimatu sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Tiniyak ni Cimatu na tayo at ang mga susunod pang henerasyon ang magdurusa kung hindi natin babaguhin ang ginagawa natin sa pagtatapon ng basura.

Sinabi pa ni Cimatu na sa Metro Manila, umabot sa 34,574.77 cubic meters ang basu­rang nakolekta sa unang quarter ng taon, habang 32,221.17 cubic meters ang tinatayang sobrang basura pa ang maidadagdag sa buong taon.
Tinatayang nasa 58,112.31 cubic meters na basura ang makokolekta sa buong taon.

“We found out really that it’s a culture and behavior problem. Because despite our warning to them (residents) to not throw anything, nandiyan na naman (garbage is there again),” ayon kay Cimatu matapos ibahagi ang kanyang karanasan sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Kinakailangan umano na maglagay pa ng konkretong bakod para mapigilan ang mga tao sa pagtatapon ng kanilang basura sa ilog.

Plano rin umano na magsagawa ng common septic tank sa mga informal settler habang isinasaayos ang lanilang relokasyon. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy