Una sa Balita

Garahe na! Erap ‘di na patatakbuhin sa 2022

0 372

KUNG si Senador JV Ejercito umano ang papipiliin, ayaw na nito na tumakbo pa para sa anumang posisyon sa gobyerno ang kanyang ama na si dating Pangulo at alkalde ng Maynila na si Joseph ‘Erap’ Estrada.

“I don’t want him to run anymore… I could see he was not anymore physically… given his state I think he should be joying already the remaining years of his life. He’s 82 already,” sinabi ni JV sa isang panayam.

Tinanong din ang senador kung payag din ba itong tumakbong muli ang kanyang ina na si dating San Juan City Mayor Guia Gomez, sagot nito ay sarili umanong desisyon ng ina kung babalik pa sa pagseserbisyo-publiko.

Naniniwala rin umano si JV na hindi nagtatagal ang mga dynasty o pamilya ng mga politiko.

“There will come a point that people would want change,” ayon pa sa senador.

Dagdag pa ng senador, umaasa itong ipagpapatuloy ng bagong nahalal na alkalde, ang mga nagawa ng kanilang pamilya sa San Juan.

Giniit nito na tanggap niya ang naging resulta ng halalan. Kumpiyansa rin umano si JV na makakabalik ito sa politika dahil sa suportang natanggap nito at bilang ng mga bomoto sa kanya sa nakalipas na eleksiyon, bagama’t aminado na mayroong pagkakamali ang pamilya sa sabay-sabay na pagtakbo sa iba’t ibang posisyon.

“Siguro kung isa lang ang tumakbo sa national position, we could have save all,” sabi pa ni JV.

Si Erap ay natalo sa kanyang reeleksyon sa Maynila sa kamay ni dating Vice-Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Una siyang pumasok sa politiko bilang alkalde ng San Juan hanggang sa manalong senador, bise-presidente at presidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy