Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ganti ng mga netizen! Boykot sa mga negosyo ni Villar

0 567

Nanawagan ng boycott sa mga negosyo ng mga Villar ang mga netizen na nawindang sa hirit ni Senator Cynthia Villar sa mga doctor at healthcare workers na pagbutihin ang trabaho imbes na manawagang ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila dahil sa dumadaming kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nagtrending sa Twitter ang Coffee Project at Camella kahapon kung saan umabot na sa 11,200 ang tweets sa Coffee project at mahigit 4,000 ang tweets sa Camella bago pa magtanghali pati na ang #GawingPatabaSaLupaSiCynthia.

Tweet ni finnick@wobshy, “Please boycott and don’t support Cynthia Villar’s Coffee Project, all of ALLDAY stuff (Allday supermarket, convenient store, etc), include their substandard and shitty properties; Starmall, Camella Homes, Vistaland and Vistamall, & Primewater.”

Tweet ni Arch.JonGonzales @ArchitectJonG, “Stop supporting All Home, All day supermarket, Bria Homes, Camella Homes, Vista Residences, Crown Asia, Vista Malls and Coffee Project. These are owned by Villar Family.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tweet naman ni Andreia Montefalco @iamandhievivo, “Baka di rin tanggapin ng lupa si Cynthia! Basura e! Walang nutrisyon para sa lupa!!!! #BoycottVillar #GawingPatabaSaLupaSiCynthia.”

Ang pinakamayamang Pilipino na ngayon ay si dating senador Manny Villar na asawa ni Cynthia Villar.

Bukod sa mga AllDay, AllHome, Star Mall, Vistaland, VistaMall, Crown Asia, at Coffee Project, ang mga Villar din ang may ari ng Evia Mall sa Daang Hari.

Si Villar din ang may ari ng Golden Haven na mga libingan na pinangalanang Golden Bria. Kay Villar din ang Planet Cable at ang Streamtech Systems Inc.

Kay Villar din ang Metro Express Connect na point to point bus service na nakakuha ng prangksa sa LTFRB para sa mga rutang dadaan sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kung saan kasama pa ang anak niyang si DPWH Secretary Mark Villar ang nangunga sa inauguration. (Eileen Mencias).

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.