Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gandler, Ateneo dudungisan NU

0 71

Teams W L

NU 8 0

UST 6 2

La Salle 5 3

Ateneo 4 4

UP 4 4

AdU 4 4

FEU 1 7

UE 0 8

Mga Laro Ngayon:

(Mall of Asia Arena)

10:00am — UE vs AdU

12:00nn — UP vs UST

4:00pm — ADMU vs NU

6:30pm — FEU vs DLSU

MULING magpapamalas ng kanyang kahusayan si spiker Vanie Gandler at ang defending champs Ateneo De Manila University (ADMU) Blue Eagles upang makuha ang ikalawang sunod na panalo laban sa undefeated na National University (NU) Lady Bulldogs ngayong araw sa 84th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tiyak na muling kakailanganin ng Blue Eagles ang mabagsik na mga atake at hambalos ng 22-anyos na si Gandler sa nakatakdang laro sa alas-4:00 ng hapon na susundan ng paluan ng FEU Lady Tamaraws at DLSU Lady Spikers sa alas-6:30 ng gabi.

Bago ang kanilang mga bakbakan ay masasaksihan muna sa opening game ang harapan ng UE Lady Warriors at Adamson Lady Spikers sa alas-10:00 ng umaga, kasunod ang salpukan ng UP Lady Maroons at UST Lady Tigresses sa alas-12 ng tanghali.

Impresibo sa magkakasunod na laro ang 5-foot-9 inches na dating DLSU Zobel spiker kontra UE Lady Warriors na may 16 points at 14 digs para maitala ang kanilang 3-game winning streak at laban naman sa UST Lady Tigresses nang humataw ito ng 18 points sa 25-19, 25-21, 29-31, 33-31 loss sa pagtatapos ng first round ng eliminations.

Nitong nagdaang laban Huwebes kontra sa FEU Lady Tamaraws ay umiskor lamang ito ng 7 puntos para sa straight 3 set victory at maiangat ang kartada ng koponan sa 4-4 marka. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.