Una sa Balita

‘Gandang Gabi Vice’ papalitan ng ‘Everybody Sing’

0 1,913

So, tuloy na tuloy na nga ang pamamaalam sa ere ng Gandang Gabi Vice next Sunday. Bale second to the last episode na ng GGV mamayang gabi.

Bale show pa rin naman ni Vice Ganda ang papalit sa GGV, ang Everybody Sing (final title na kaya?).

Sa March na raw ang simula noon, pero hindi lang makapagbigay ng detalye ang GGV staff na kausap ko dahil, “Iba kasi ang staff noon. Ibang group, hindi kami. So wala akong alam na details!”

Anyway, kahapon ay nag-“emergency” taping sila para sa episode nila mamaya. Dapat daw kasi ay magla-live talaga sila, pero wala raw silang gamit, so taping na lang sila kahapon.

***
Annabelle nakakaloka ang mga pasabog na sagot sa GGV

Pinakiusapan nga nila si Annabelle Rama na mag-guest. Request daw kasi ni Vice na bago magtapos ang GGV ay sumalang namam si Bisaya sa ‘Sagot o Lagot’ segment nila sa show.

Naaliw kasi si Vice nang su­malang sa segment na ‘yon si Ruffa Gutierrez noong February 2 para sa promo ng ‘Love Thy Woman’, kaya nag-request naman siya na si Bisaya naman mamayang gabi.

Eh, malapit din naman si Bisaya kay Vice, kaya hindi siya nakatanggi at kinansel na lang niya ang lakad dapat niya kahapon para mapagbigyan ang dyowa ni Ion Perez.

Nang kausap ko sa Viber kahapon si Bisaya, medyo alanganin pa siya dahil baka mahirapan daw siya sa mga ipapagawa ni Vice kapag na-“lagot” siya at hindi naka-“sagot”.

“Tita, knowing you, wala ka namang inaatrasang tanong, lahat sinasagot mo, so, hindi ka ‘malalagot’ at nothing to worry ka. Ang galing-galing mo yatang sumagot!” sey ko na lang sa kanya.

Naku, dapat tutukan mamaya ang GGV dahil for sure, exciting ang mga itatanong ni Vice kay Bisaya at tiyak din na ikakaloka ng lahat ang mga isasagot ng Gutierrez matriarch sa TV host/comedian, huh!

Anyway, sa Wednesday na ang last taping day ng GGV para sa kanilang finale episode na ipapalabas on February 23!

Sad, pero talagang ganyan. Walang forever. Kung may start, may ending!

Ruffa kinilig kina Xian, Kim

Kinilig, na-sweet-an at naloka si Ruffa nang ma-witness niya ang pagbibigay ni Xian Lim ng napakalaking bouquet ng flowers sa girlfriend nitong si Kim Chiu sa taping nila ng Love Thy Woman.

Isa si Ruffa sa unang nakakita ng napakalaking bouquet, kaya kinunan kaagad niya ‘yon ng vi­deos at after at pinost sa Instagram. That time kasi, si Kim ay nagre-rest sa holding area nila at si Ruffa naman ay nasa set mismo at may kukunang eksena, kaya nag-excuse pa si Xian kung puwedeng makidaan sa set dahil doon ang daan papunta sa holding area na kinaroroonan nga ni Kim.

“Xian’s so sweet!” sabi ni Ruffa tungkol sa ginawa ng boyfriend ni Kim.

Pops, Martin pahinga muna sa concert

Parehong sold out ang Two-gether Again concert series nina Pops Fernandez at Martin Nievera noong Friday at kagabi. Break muna sila tonight, pero raratsada uli bukas hanggang sa Friday.

Ang alam ko, almost sold out na rin ang five shows pa nila. Ang bongga!
Samantala, sobrang thankful ni Rita Daniela na sila ng leading man na si Ken Chan ang nag-guest sa first two nights ng Two-gether Again.

Dream come true raw na makasama nila ni Ken sina Pops at Martin. Ang bongga-bonggang chance raw ‘yon for them.

Sobrang thankful nga sila kina Pops at Martin. Nice!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More