Una sa Balita

Ganda ni Julia nakakaatake sa puso

0 828

abante-paistaran-dondon-serminoFriendship goals nga ang tingin sa kanilang tatlo!

Pero mas bagay raw ang linyang “Real Queens Fix Each Others Crowns” sa kanila.

Ramdam na ramdam ang wagas na pagmamahal nila sa isa’t isa. Walang inggitan. Na sa kabila ng katotohanan na magkakalaban sila sa kanilang korona, pero ang mas namumuwati sa puso at isip nila ay ang suportahan ang isa’t isa.

Kaya nga humamig talaga ng suporta ang chikahan, sagutan nina Julia Barretto, Liza Soberano at Janella Salvador sa Instagram.

Ito kasing si Julia, panay ang post ng mga magagandang photo niya na kuha sa abroad (Mexico, pero patungo na raw siya sa ikatlong destinasyon niya nu’ng mga oras na tiningnan ko ang Instagram stories niya).

Ang gaganda nga naman kasi kaya itong si Liza, hindi natiis na magkomento.

“You need to STOP. Before we all have heart attacks. You’re just so beautiful!”

Taray, ‘di ba? Ang ganda ng linya! Kaloka na ‘yung gandang ‘yon ni Liza, sa tingin niya ay may mas maganda pala talaga sa kanya.

At least, hindi siya feeling super ganda, na tingin niya sa sarili niya ay siya na ang pinakamaganda.

At siyempre, sumagot si Julia kay Liza:“@lizasoberano Excuse me Miss, do you realize how much heart attacks you’ve already given us with ur beautiful face because I lost count of mine.”

Ay, bongga, ‘di ba? Dalawa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, nagsagutan tungkol sa kagandahan.

At heto pa, biglang sumingit, at hindi rin nagpakabog si Janella Salvador sa kanilang dalawa.

“@juliabarretto @lizasoberano All the heart attacks in this country are being caused by both of you so STOP BOTH BETTER STOP!” buong ningning na utos ni Janella kina Liza at Julia.

At sinagot din ni Julia si Janella na: “@superjanella do you realize that every single time @lizasoberano and I have to perform with you with ur perfect face and ur perfect voice we get a heart attack YOU STOP!”

‘Yun na, kaya aliw na aliw ang mga fan nila. Gusto nilang gayahin ang mga idolo nila, na nagsusuportahan, itinataas ang korona ng bawat isa, at hindi hinihila pababa.

Kaya naman sangkatutak na bonggang mensahe ang nakuha ng sagutan na ‘yon ng tatlo. Heto nga ang mga chika ng mga fan nila:

pilarlarpilar: “@lizasoberano @juliabarretto @superjanella You three should STOP. You’re making the Philippines hotter than 40 degree celsius. And I feel like a cooked potato now.”

rafoncillabor: “OMG nagtatalo ang tatlong magagandang babae.”

jesonvillasista: “Grabe! Nakangiti ako habang nagbabasa ng comments. Kakaaliw.”

allysetier: “@lizasoberano @superjanella para walang ma heart attack dito sa Pilipinas, mag deactivate na kayong tatlo sa mga ig niyo.”

exuxnxjxi77: “@lizasoberano @superjanella @juliabarretto TUMIGIL NA KAYO HUHU chz we love queens supporting queens.”

lse.127: “@juliabarretto @lizasoberano @superjanella Y’ALL SHOULD STOP Y’ALL ARE PERFECT and im starting to question my existence.”

ikelable: “@lizasoberano so ano pa kami? Ingrown na lang?”

bellaremoroza “@juliabarretto @lizasoberano @superjanella do you even realize that we’d all be dead by now with the number of heart attacks you girls are giving us??? YOU ARE ALL PERFECT. YOU ALL NEED TO STOP.”

Well, ang tunay na magaganda, hindi feeling maganda, at hindi pinamumukha sa iba na sila ang pinakamaganda, bagkus ay ipinararamdam sa iba, na may mas mahalaga pang bagay sa mundo, kesa sa kagandahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy