Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ganapin pasok sa Para Games

0 84

NAGKUWALIPIKA ang Para taekwondo jin na si Allain Ganapin sa ikalawa ntong internasyunal na torneo matapos makapasok sa 2023 Hangzhou Asian Para Games sa pagwawagi ng gintong medalya sa K44 80kgs event ng ginanap na 2022 Sharjah Qualification Tournament sa United Arab Emirates (UAE).

Ang 23-anyos na si Ganapin, na unang nakapagkuwalipika sa nakaraang taon na Tokyo Paralympics, ang unang Pilipino Para-athlete na nakasiguro ng silya sa 2022 Asian Para Games na nakatakda sanang ganapin ngayong taon sa Hangzhou, China subalit na-postpone sa 2023 dahil sa COVID-19 pandemic.

Hindi pa alam kung kailan ang petsa na isasagawa ang torneo na orihinal na nakatakda sa Okture 9-15.

Matatandaan na nakapagkuwalipika si Ganapin sa Tokyo Paralympics sa bipartite invitation upang maging unang Filipino na nag-qualify sa taekwondo na una pa lamang na isasagawa sa Tokyo. Gayunman, hindi ito nakatuntong sa Japan at hindi nakasabak matapos na magpositibo sa COVID-19. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.