Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gampong, Dasma tinumba Sabong

0 83

NAGPASIKLAB si Madzlan ‘Madz’ Gampong sa Team Dasma Monarch upang paspasang idemolis ang Sabong International Spikers, 25-20, 25-21, 25-23, at umabante sa semifinals ng 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions League men’s tournament Miyerkoles sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas.

Kumamada si Gampong ng 12 puntos, walo mula sa atake, tatlong block at isang service ace para sa third straight win sa Pool B ng kampo niya sa Day 3 ng torneo at hilain ang biktima sa 1-2.

Nag-ambag si Mark Frederick Calado ng 11 markers habang may siyam na puntos si team captain Jayvee Sumagaysay para sa Cavite-based squad.

Isang kill block mula kay Sumagaysay ang naglagay sa Dasma sa 24-22 lead habang isang error mula sa SIS pagkaraan ang nagbigay panalo para sa set at game sa Monarchs. Makakaharap ng Dasma sa semis ang second-ranked team ng Pool A.

Kapos naman ang 15 pts. ni Jelord Talisayan para sa Sabong. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.