Una sa Balita

Gamot sa coronavirus ilalabas na sa merkado

0 615

INAPRUBAHAN na ang isang antiviral medicine na ayon sa mga test ay mabisa sa pagpuksa ng Novel Coronavirus.

Ayon sa Taizhou government ng Zheijang province, ilalabas na sa merkado ang Favilavir, o dating kilala sa bansag na Fapilavir, bilang gamot kontra COVID-19.

Ito ang kauna-unahang gamot pangontra sa Novel Coronavirus na inaprubahan ng National Medical Products Adminstration na ibenta na sa merkado.

Ang nasabing gamot ay ginawa ng Zhejiang Hisun Pharmaceutical Company, at inaasahang magiging instrument para tuluyang mahinto ang coronavirus outbreak. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More