Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gamot kontra leptospirosis pinamudmod sa Marikina

0 64

Pinamahagi sa Marikina ang gamot laban sa leptospirosis kaugnay ng pinangangambahang pagtaas ng kaso nito dahil sa epekto ng matinding pagbaha kasunod ng pananalasa ng bagyong ‘Ulysses’.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, namigay ng Doxycycline dahil kailangan ding bantayan ang kalusugan ng mga residente lalo pa at nalubog sila sa baha na posibleng magdulot ng leptospirosis, na mula sa ihi ng daga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod dito, naglaan din ang lokal na pamahalaan ng gamot para sa cholera, tetanus, at iba pang sakit.

Una nang isinagawa ang programang pagbili ng mga nahuhuling daga na isang solusyon para maiwaan ang sakit na leptospirosis. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.