Una sa Balita

Game changer si Andray Blatche

By
0 426

Nakabalik na sa Team Pilipinas si naturalized center Andray Blatche at naging matagumpay sila. Naipanalo ang dalawang natitirang laro upang makapasok ulit sa World Cup, salamat sa mga naniwala at nagdasal.

Maraming salamat lalo na sa South Korea, na dahil sa kanilang panalo tayo ay pasok pa sa inaasam na World Cup.

Malaki talagang ambag sa koponan ang pagbabalik ni Blatche, umarangkada ang big man at hindi naawat na magpaulan ng puntos sa parehong laro.

Siya malamang ang naging sagot sa kung bakit nga ba tayo natalo nang dalawang magkasunod na laro dito sa ating teritoryo. Ngunit hindi lang naman si Blatche ang nagbuhat sa Pilipinas, ang leadership ni Jayson Castro ay talaga namang malaking tulong para sa koponan, talagang pinatunayan niya na siya ang number one guard sa Asia.

Ang nagbabalik na si Mark Barroca ay ipinakita na karapat-dapat siyang muling maglaro para sa bansa. Ibang klase ang tapang ng mga manlalaro natin, mula umpisa hanggang dulo ay talagang hindi bumibitaw. Tila tunay na kahulugan ng puso!

Pusong palaban, pusong hindi umaatras kailanman.

Malamang pagsabak nilang muli sa PBA ay ibang kalibre ng laro ang ipakikita ng mga miyembro ng Team Pilipinas, ibang level ng confidence panigurado. Ibang klase ang husay ni Poy Erram, isa na siya sa mga puwedeng kumalaban kay five-time MVP June Mar Fajardo.

Napakagandang move para kay Poy ang paglipat niya sa NLEX Road Warriors dahil talagang mas nahasa at mas nailabas niya ang kanyang husay at tikas pagdating sa court. Palagay ko dapat nang kabahan si ‘Kraken’ kung tuloy-tuloy na magpapasiklab itong si Erram.

Ang collegiate player naman na si Thirdy Ra­vena ay buo ang loob. Tila mas matapang pa ito sa kanyang kuya na si Kiefer. Kitang-kita mo ang gigil at gutom ng batang manlalaro habang siya ay nasa international arena.

Malaking tulong at boost ito sa kanyang career dahil paniguradong ang bato-batong si Thirdy ay mas mag-uumapaw pa ang confidence pagsabak sa collegiate league muli at lalo na pagtungtong nito sa professional league.

***
Bakbakan na muli sa paboritong liga ng bayan. Habang isinusulat ko ito ay naghaharap na ang Columbian Dyip at Meralco Bolts at ang Phoenix Fuel Masters kontra Northport Batang Pier kahapon. Mahaba ang naging pahinga ng mga team at paniguradong sabik ang mga ito na maglaro.

Makikita nating muli ang tikas ng mga paborito nating team at siyempre pa andito na nga ang Team Pilipinas players. Excited na ang inyong Basketbolera na makitang magbalik sa liga ang ating mga manok sa World Cup.

Katulad ng nauna kong nabanggit, ibang klase ang larong makikita natin mula sa kanila, iba nga naman kasi talaga ang nagagawa sa isang manlalaro ng exposure at experience sa isang international competition.

Sigurado akong mas mainit ang magiging bakbakan sa liga nga­yong nasa kalagitnaan na rin tayo ng eliminations.
***
Marso na bukas mga Ka-Abante at may isang break na naman na mangyayari sa liga. Ito ang All-Star Games na gaganapin sa Calasiao, Pangasinan. Kababalik lang ng liga ay mahihinto na naman.

Masyadong pinapa­sabik ang fans at mas­yadong napupuno ng gigil ang mga player dahil sa hindi lang sila ay nasasabik nang maglaro ngunit dahil sabik nang depensahan ang kanilang puwesto sa liga.

Iba pa rin naman kasi talaga ang pakiramdam na nararamdaman nila mula sa practice kum­para sa actual game. Kaya tara na, simulan na ang pasikatan sa liga.

Muli mga Ka-Abante, patuloy po ninyong suportahan ang aming show ni Bes Ramil, ang “Sportalakan,” tuwing Martes, 6pm.

Salamat po. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy