Una sa Balita

Game 7 espesyal kay Lowry, Brown

0 278

SA basketball, wala na sigurong pinakamatamis na salita sa playoffs kundi ‘Game 7.’

“Nothing matters but Game 7,” giit ni Toronto Raptors guard Kyle Lowry.

Matatapos ang second round ng NBA playoffs sa pamamagitan ng dalawang deciders ngayon. Third-seeded Philadelphia kontra No. 2 Toronto sa East, at No. 3 Portland sa second-seeded Denver sa West.

Dadayo ng Milwaukee ang 76ers-Raptors winner sa Huwebes (araw sa Manila) para hamunin ang top-seeded Bucks sa East finals.

“I’ve been fortunate to be in a few Game 7s and they’re very unique,” ani Philadelphia coach Brett Brown. “They’re special. They are a life lesson, a life opportunity.”

Sa Game 7s, 6-9 all-time ang Sixers, 1-8 sa road. Ang Raptors ay 2-2 all-time, 2-1 sa sariliing teritoryo.

Head-to-head sa decider: Philadelphia 1-0 (88-87, 2001 East second round sa Philadelphia).

Si Jimmy Butler ng Philly, ‘di pa naghabol sa Game 7 – nanalo ang Chicago Bulls sa Brooklyn noong 2013 nang ‘di nahawakan ng Nets ang trangko.

Si Kawhi Leonard ng Toronto ay 1-2 sa Game 7s noong nasa San Antonio pa.

Posibleng si big man Joel Embiid ang big difference ng Philadelphia.

Dalawang araw ang pagitan ng Games 6 at 7, nakapahinga si Embiid na nananakit ang tuhod buong playoffs.

Na-outscore ng 76ers ang Raptors ng 80 points sa loob ng 192 minutes sa series na nasa floor si Embiid. Na-outscore ng Raptors ang Sixers ng 97 points sa 96 minutes na nasa bench siya. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy