Una sa Balita

Game 6: TNT tatabla sa San Miguel

0 268

ASAHAN na ang mainit at emosyonal pa ring Game 6 ng PBA Commissioner’s Cup Finals mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Pagkatapos ng 99-94 win sa Game 5 noong Miyerkoles ay nilama­ngan ng San Miguel Beer ang TNT 3-2 sa best-of-seven series.

Kasing-init ng laro ang kontrobersiyang nilikha ng ‘monkey dance’ ni Arwind Santos na patama kay KaTropa import Terrence Jones higit 1 minute pa sa se­cond quarter.

Bukod sa social media na umatake kay Santos, naglabas din ng statement ang TNT sa pamamagitan ni team manager Gabby Cui.

“Racism should ne­ver have a place in sports and in life. Even via ‘jokes or mind games’,” anang KaTropa statement.

Dapat daw ay naghihinay-hinay si Arwind, kahit biro. (Vladi ­Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy