Una sa Balita

Gamboa tikom sa kaso ni Espenido

0 332

UMAPELA kahapon si Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa na ires­peto ang ginagawang proseso ng ahensya sa ginagawang validation ng gobyenro sa 357 pulis na nasa drug watchlist.

Matapos nitong sabihin na ang mga nasabing narco cop ay mula sa ranggong Police Brig. General hanggang Patrolman ay hindi na ito nagbigay pa ng komento lalo na sa isyu na kasama si Police Lt. Col. Jovie Espenido sa listahan.

“Respect our process. Nakiusap naman ako sa inyo, ‘di ba? Na huwag na sanang tingnan ‘yung mga personalities kasi you know the intention,” pahayag ni Gamboa sa panayam ng mga reporter kahapon nang umaga sa Camp Crame.

“The validation of information is a very complex process and giving details to the public on the perso­nalities involved would lead to the development of prejudices,” paliwa­nag ni Gamboa.

Dagdag pa nito na ang public pronouncement ng nasabing watchlist ay maaaring mapangunahan ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“It’s a very complex process. When I start explaining about the 357, it’s preemp­ting the decision of the President. So gusto ko we will not discuss anything about it kasi may mga prejudices nang made-develop sa mga tao and possibly sa Pre­sident, so sana pabayaan niyo kami mag-evaluate and we will submit it to the president. We don’t know what the president will do with the recommendation,” saad pa ni Gamboa.

Kahapon ay sinimulan na ng PNP ang validation at adjudicating ng mga kaso ng narco cops, sa bilang na 357, 15 na sa mga ito ang nagdesisyong mag-early retirement habang ang 43 naman ay nasa absent without leave (AWOL) status. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More