Una sa Balita

Gamboa tameme sa banat ni Espenido

0 532

DUMISTANSYA si Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman kay Police Lt. Col. Jovie Espenido.

Ito’y matapos pumalag ang sinabak na Hepe ng Bacolod City Police at sinabing may ‘failure­ of intelligence’ sa panig ng PNP at posibleng isiningit lang ang kanyang pangalan sa 356 mga pulis na nasa drug list.

Sa ambush interview kahapon sa unang anibersaryo ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa Camp Crame, umapela si Gamboa sa media na ipaubaya na sa kanya si Espenido dahil ito ay isa umanong ‘internal matter’­ sa PNP.

Hindi rin sinagot ni Gamboa­ ang tanong kung totoo nga bang may ‘failure of intelligence’ sa drug list na hawak ng PNP at sinabing hayaan na lang lumabas ang resulta ng nagpapatuloy na adjudication process.

Samantala maayroon ng gag order ang korte sa 356 na pulis na kasama sa drug list ayon sa PNP.

Ibig sabihin ay dapat manahimik ang mga pulis na nasa drug list habang iniimbestigahan ng National Adjudication Board at hindi muna sila maa­ring magsalita o magpaliwanag­ sa kanilang sitwasyon.

Ayon kay Gamboa, general instruction sa mga pulis na huwag magsalita habang dinidinig ang kanilang mga kaso. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More