Una sa Balita

Gamboa sa mga narco police: Mag-retire na kayo

0 321

HINIMOK ni Philippine National Police (PNP) chief Police Gen. Archie Francisco Gamboa ang mga pulis na kasama sa narco list ni Pangulo Rodrigo Duterte na mag-early retirement.

Ito’y bago simulan ng PNP ang adjudication at validation sa 357 pulis na kasama sa naturang listahan para malaman kung sino talaga sa mga ito ang sangkot sa iligal na droga.

“Before I left, I told them ‘I am giving option and this I will offer once. If you think you are guilty, you better render your optional retirement. The deadline for this is today (Monday),’” pahayag ni Gamboa sa isinagawang press briefing sa National Capital Region Police Office headquarters sa Camp Crame.

Ayon sa PNP chief, kung mayroon sa mga pulis na ito ang gustong mag-optional retirement, hindi ito ikukun­sidera bilang pag-amin ng pagkakasala pero malaking tulong umano ito sa PNP dahil mababawasan ang mga pulis na kinukunsiderang problema.

Nilinaw ni Gamboa na hindi lahat ng nasa narco list ay awtomatikong guilty dahil base lang ito sa mga report at intelligence information.
Ito aniya ang dahilan bakit kailangang sumailalim sa adjudication at validation ang mga nasa listahan. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More