Una sa Balita

Gambling lord utusan ng kabit

0 702

KINATATAKUTAN daw itong gambling lord ng Luzon dahil sa bangis nito.

Eh paano naman kasi, sangkatutak ang bodyguard nito kapag luma­labas sa kanyang lungga.

Subalit kung anong lupit nitong pumorma, parang asong bahag ang buntot kapag kaharap naman ang kabit.

Lahat daw ng wish at utos nitong si kabit, aba’y sinusunod ni gambling lord.

Takot daw kasi itong si lalaki na maga­lit ang kanyang kabit dahil baka iwanan siya nito.

Kahit 40 plus na itong si kabit, yummy pa rin ito kaya’t parang asong ulol itong si gambling lord.

Ang isang pakiusap lang daw nitong si gambling lord sa kanyang partner, huwag magkakain para hindi ito tumaba.

Ang classic nito, kahit laging busy si gambling lord sa kanyang kabit ay hindi naman nagrerek­lamo ang tunay na pamilya nito.

Pintahan n’yo na. Ang gambling lord at ang kabit ay may letrang A at B sa kanilang apel­yido.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy