Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Galunggong isama sa karne price freeze

0 160

NANAWAGAN si Senador Grace Poe sa Department of Agriculture (DA) na isama ang galunggong sa mga pangunahing bilihin na kailangang ilagay sa price freeze sa gitna pa rin ng patuloy na pagtaas ng bilihin.

Ginawa ng senadora ang panawagan bunsod nang napakataas pa ring presyo ng galunggong sa mga palengke nitong mga nagdaang mga araw na hindi na kayang bilhin ng mga ordinaryong mamimili.

Samantala, dalawang buwang ‘price freeze’ sa baboy at manok ang inirekomenda ng DA sa Pangulong Rodrigo Duterte at ipinatitigil ang walang humpay na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ang kanyang rekomendasyon sa Malacañang ay upang masawata ang pananamantala ng mga trader sa pagpataw ng hindi makatarungan na presyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa panukalang Executive Order (EO) ng DA kay Pangulong Rodrigo Duterte, tatagal ng hanggang 60 days o dalawang buwan ang price freeze sa mga pangunahing bilihin.

Kung matutuloy aniya ang price freeze, mapapako sa P270 hanggang P300 ang kada kilo ng baboy habang nasa P160 lamang ang kilo ng dressed chicken.

Sa kabila nito ay may sapat na pagkain sa bansa kahit pa inirekomenda sa Malacañang ang mga mas mahal na price ceiling para sa baboy at manok.

“Meron po tayong sapat na pagkain, lamang lang may nagmamanipula ng food prices,” sabi ni Dar sa press conference kahapon. (Dindo Matining/Dolly Cabreza/Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.